Walang tutol si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. kung “insider” ang mapipili ni Pangulong Benigno S. Aquino III na italaga sa mga posisyong mababakante ng mga magreretirong opisyal ng komisyon.

Ang pahayag ni Brillantes ay kasunod ng apela ng mga kawani ng Comelec na sana ay insider ang ipalit sa mga magreretirong opisyal ng Comelec.

Paliwanag ng Comelec Employees Union, mas kabisado na kasi ng mga insider ang kalakaran sa loob at labas ng komisyon, na magiging abala sa paghahanda para sa 2016 elections.

Kabilang sa mga magreretiro sa Comelec sa Pebrero 2015 sina Brillantes at Comelec Commissioners Lucenito Tagle at Elias Yusoph
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20