Bilang bahagi ng magkasabay na pagdiriwang ng Pista ni San Clemente at ng Angono, ngayong Nobyembre 23 ay gagawin ang masaya at makulay na Pagoda o fluvial procession sa Laguna de Bay sa bahaging sakop ng Angono. Ang Angono na Art Capital ng Pilipinas ay ia sa mga bayan sa Rizal na matibay ang pagpahalaga at pagbibigay-buhay sa kanilang namanang tradisyon at kultura. Bayan ng dalawang National Artist na sina Carlos Botong Francisco at Maestro Lucio D.San Pedro na ang mga tradisyon at kultura sa Angono ay binigyang buhay at pagpapahalaga sa kanilang mga likhang-sining at komposisyon tulad ng Pagoda.

Ang Pagoda ay sinisimulan matapos ang concelebrated mass. Ang Pagoda ay paggunita sa buhay ni San Clemente, ang ikatlong papa sa Roma, nang itapon siya sa dagat ng Crimea ng mga pagano matapos lagyan ng pabigat na angkla sa leeg Nakapatong ang Pagoda sa apat na malaking bangka ng pukot May maganda at makulay na dekorasyon Sa Pagoda isinasakay ang imahen nina San Clemente, San Isidro at ng Mahal na Birhen. Habang hinihila ang Pagoda ng mga lalaki at ng iba pang deboto, sinisimulan ang pagrorosaryo sa loob ng Pagoda. Kasunod at kasabay ang mga bangkang de motor na ang mga sakay nito ay naghahagis ng mga tinapay at mansanan sa mga humihila ng Pagoda. Sa paghila, nakatatapak at nakahuhuli ng mga isda tulad ng tilapia, dalag, bangus, kandulii, ayungin, karpa, big head at iba pang isda. Tinutuhog at isinasabit sa andas nina San Clemente San Isidro at ng Mahal na Birhen.

Matapos ang Pagoda o fluvial procession,kasunod na nito ang masayang prusisyon-parada paahon sa bayan.Kasama ang lahat ng mga lumahok sa fluvial procession.Pangkat-pangkat ang mga kabataang babae at lalake at mga bding Kasama rin ang mga parehdorta o pangkat ng mga batang babae sa bawat barangay. May makulay na kasuotan at hawak na maliit na sagwan na kulay puti at asul at nakalagay sa kanilang kanan balikat. Tinututugn sila ng banda ng musiko. Sa pag-ahon ng prusisyon, bilang bahagi ng kasayahan ay may nagsasaboy ng tubig sa mga kabbayan at kakilala na naunood ng parada. Nagwawakas ang parada-prusisyon sa harap at patyo ng simbahan. Bago ipasok sa simbahan ang imahen nina San Clemente, San Isidro at ng Mahal na Birhen.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente