LINGAYEN, Pangasinan– Sumipa kahapon ang unang Governor Amado T. Espino Jr. Football Cup na magtatapos ngayon sa Narciso Ramos Sports and Civic Center (NRSCC).

Ang nasabing torneo ay inisponsoran ng provincial government sa pakikipagtulungan ng Junior Chamber International (JCI), Lingayen Bagoong at Lingayen Football Club (LFC).

Layunin ng nasabing event na mapalaganap ang Pangasinan bilang sentro ng mahuhusay na football player.

Ang football ay ilan lamang sa mga sporting event na gagawin sa probinsiya para palawigin ang sports development program ng administrasyon ni Governor Espino.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi naman ni JCI Sports Director Julius Sison na ang torneo ay sasabakan ng halos 400 football players mula sa 16 teams ng probinsiya ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Benguet at Isabela.

“We invite the public to watch the football tournament and be amazed on how football players from north-central Luzon will battle neck-and-neck to win the championship title,” pahayag pa ni Sison. - Liezle Basa Iñigo