Nobyembre 21, 1973, nang ipagdiwang ang unang World Hello Day. Layunin nitong ipalaganap ang kapayapaan sa buong mundo. Ito ay nagsimula habang nagaganap ang gulo sa pagitan ng Israel at Egypt noong 1973. Aabot sa 180 bansa ang dumalo sa nasabing selebrasyon. Ang pagbati ng “Hello” sa sampung tao ay isa sa mga regulasyon sa bawat partisipante. Hindi lang iyon, maging ang pagbati ng hello at magandang umaga sa taong hindi mo kakilala.
Ito na rin ang paraan upang makahanap ng bagong kaibigan o mapatawad ang isang tao, at isang magandang konsepto na magugustuhan ng bawat isa. Dahil sa selebrasyon, magagawang tibagin ng mga tao ang mga harang na namamagitan sa nakaaway, maayos ang mga problema, at mapanatili ang kapayapaan, dahil ang komunikasyon ang magsisilbing susi nito.