INIULAT ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Florencio abad na p52 bilyon na ang nagagastos ng gobyerno para sa relief, rehabilitation at recovery ng mga biktima ng supertyphooon yolanda sa 171 apektadong munisipalidad, karamihan sa leyte at Samar.

Habang maraming biktima ni Yolanda sa Eastern Visayas ang natulungan, may iba pang mga biktima na naapektuhan sa mga probinsiya ng Iloilo, Aklan, Capiz, Antique, Masbate, Negros occidental, Cebu, at Dinagat Islands ang sumisigaw ng agarang atensiyon. Marami sa kanila ang nagdaramdam sapagkat hindi sila naisama sa alokasyon ng ayudang pangkawanggawa mula sa gobyerno at foreign sources.

Sa aklan kung saan 14 katao ang namatay at anim na munisipalidad na kinabibilangan ng altavas, Batan, Balete, libacao, Banga, at New Washington (ang hometown ng yumaong Jaime Cardinal Sin) ang matinding napinsala. Napinsala ang mga gusali ng aklan State university. ang aklan, tulad ng iba pang 13 probinsiya ang naghihintay pa ring maging recipient ng p8 bilyong rehabilitation funds na inilaan ng office of the presidential assistant for Rehabilitation and Recovery (OPARR).

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Sa larangan ng housing, libu-libong survivor ni yolanda ang wala pa ring tirahan. Sinabi sa kanila na maghintay ngunit hindi matatapos ang pangakong permanenteng mga bahay hanggang 2016.

Sa unang anibersaryo kamakailan ng Yolanda, idinaos sa luha at panalangin para sa mga biktima at survivor na muling isinabuhay ang pighati sa kanilang kawalan at trahedya habang nagagalak naman ang ating mga pulitiko sa magastos na mga imbestigasyon at sa malalaking budget na kanilang inaprubahan. May ilang grupong sibil sa Samar at leyte ang nagtayo ng samahan upang iprotesta ang mabagal na pagkilos ng administrasyon ni pangulong aquino na matulungan ang mga survivor. Mahigit 20,000 katao na miyembro ng Justisya (Victims united For Justice) at ng people Surge alliance for Yolanda Survivors, at isa pang organisasyon ng mga Waray ang magpoprotesta laban sa pagbatikos ng pangulong aquino sa mga kritiko ng administrasyon sa paghawak nito ng pagsisikap na ibangon ang mga lugar na sinalanta ni Yolanda.