NAIS nang ipatigil ni Sen. Trillanes ang inumpisahan nang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa umano ay overpriced International Convention Center (ICC) sa Iloilo. Proyekto ito ni Senate President Drilon at pinondohan daw ng kanyang PDAF. Wala namang ebidensiya, ayon kay trillanes. Kasi naman, ang nagbibintang na si Mejora, sa kanyang testimonya sa committee, ay inaming wala siyang ebidensiya. Ibinatay lang daw niya na overpriced ang gusali sa mga impormasyong nakuha niya sa Wikipedia. Ang problema, may testigong nakahanda pang magsalita sa katauhan ng dating pinuno ng TESDA na si Buboy Syjuco.

Hindi ko na hinihingi na maging patas ang Senate Blue Ribbon Committee na kung ano ang ginagawa nitong imbestigasyon kay Vp Binay ay siya ring dapat gawin kay Senate president Drilon. ang nais ko lang mangyari ay kumuha pa ang committee ng sapat na impormasyon pagbatayan ng anumang gagawing batas ng mga mambabatas upang ang mga ibinibintang na overpricing ay masawata na. Ang Hilmarc Construction na siyang gumawa ng Makati park Building ay siya ring gumawa ng ICC. Kung ata-atado ang pagkagawa ng Makati park Building ay ganoon din ginawa ang ICC.

Ang Makati Park Building, ayon sa lumabas sa imbestigasyon ng subcommittee ng Blue Ribbon Committee, ay tumaas ang halaga dahil dinagdagan ng Hilmarc ito. Iyong dapat na bayaran ni Vp Binay para sa serbisyo ng Hilmarc sa paggawa at pagaayos ng Hacienda Binay ay idinagdag na lang nito sa halaga ng Makati park Building. Kaya ba nagawa ng Hilmarc ito dahil pira-pirasong ginawa nito ang proyekto gaya ng paggawa niya sa ICC? Kailangan marinig ng taumbayan si Syjuco. Kung kagaya rin siya ng nauna sa kanya, wala ng dahilan para tutulan pa ang nais ni trillanes na isara na ang imbestigasyon ukol sa ICC.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho