Nobyembre 20, 1992, nang lamunin ng apoy ang 900-anyos na Windsor Castle ng England, sa United Kingdom. Dakong 11:33 ng umaga (oras sa London), nagsimula ang apoy sa Queens Private Chapel, ang init na dulot ng 1,000-watt halogen spotlight ay umabot sa mga kurtina.

Makalipas ang siyam na oras, kontrolado na ang apoy ngunit tumagal pa ng hanggang tatlong oras bago tuluyan itong naapula.

Ang kastilyo, na may layong 20 milya mula sa London, ay nagtamo ng malalang pinsala, kabilang ang mga makasaysayang lugar dito. Ilan sa mga obra, libro, at kagamitan ang naabo.

Kilala bilang pinakamalaking kastilyo sa mundo, ang Windsor Castle isa sa mga tinutuluyan ni Queen Elizabeth II tuwing siya ay nagbabakasyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Makalipas ang ilang taon, nagtagumpay ang mga awtoridad sa pagbabagong-bihis sa kastilyo na umabot sa £36.5-milyon ang nagastos, gayunman, inulan sila ng mga tanong mula sa publiko kung saan nalikom ang nasabing pera.