Isang babaeng preso ang nakatakas mula sa bilangguan sa pamamagitan nang pagkukunwaring inatake ng sakit at salisihan ang duty jailer nang malingat ito sa Tondo, Manila nitong Martes ng umaga.

Kinilala ang nakatakas na preso na si Lea Cuyugan, 40, mayasawa, at residente ng Area 1 Bliss Project, San Gregorio St., Tondo, na nahaharap sa kasong illegal drugs. Agad pinagpapaliwanag naman ang nakatalagang jailer na si PO1 Danilo Quirimit Felipe ng Manila Police District (MPD)-Station 11.

Sinabi ni Senior Insp. Ronald Andres ng MPD-Station 11, dakong 6:20 ng umaga nang naganap ang pagtakas ng preso sa labas ng detention cell ng naturang himpilan.

Nauna rito, nagkunwari umano ang suspek na inaatake ng sakit kaya inilabas ito nang naalarmang jailer mula sa piitan.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Bumaba umano ang jailer upang tumawag ng taxi para madala sa pagamutan ang suspek, ngunit pagbalik nito ay nawawala na ang preso.

Sinasabi ring mayroong ipinakikitang medical certificate ang suspek hinggil sa sakit nitong breast cancer kaya naniwala ang jailer.