BEIRUT (AFP)— Kinondena ni US President Barack Obama bilang “pure evil” ang pamumugot ng Islamic State sa Amerikanong aid worker na si Peter Kassig matapos ilabas ng grupo ang video ng kanyang bangkay noong Linggo.

Ipinakita sa video ang nakaririmarim na sabay-sabay na pamumugot sa 18 kalalakihan na inilarawang mga kasapi ng Syrian military, ang huli sa serye ng mga mass execution at iba pang karahasan ng IS sa Syria at Iraq.

Isinapubliko ito habang naghahanda ang Washington na magpadala ng karagdagang tropa sa Iraq.

Ang 26-anyos na si Kassig ay nabihag noong nakaraang taon at pinagbantaan noong Oktubre 3 sa video ng pamumugot sa British aid worker na si Alan Henning.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Si Kassig, beterano ng Iraq war, ay nagtayo ng isang grupo na nagkakaloob ng tulong medikal at nagpapakain at nagdadamit sa mga naghihirap sa civil war ng Syria.