PAANO nga ba maging huwarang ama para sa mga anak o pamilya? Totoo ba ang tinatawag na ‘dream dad?’

Maxene-Magalona-copy-223x300Isa ito sa mga itinanong sa buong cast sa presscon ng bagong seryeng Dream Dad na pinangungunahan ni Zanjoe Marudo kasama ang gaganap na bago niyang anak na si Janna Gonzales supporting cast sina Maxene Magalona, Beauty Gonzales, Yen Santos, Ana Feleo, Katya Santos, Ketchup Eusebio, Ariel Ureta, at Gloria Diaz.

“Siguro dahil sa experience ko (sa sariling ama) kaya ako nakakaarte ng tatay kahit wala pa naman akong anak. Kasi ‘yung time na ibinigay ng tatay mo noong bata ka pa, importante noong maliit ka pa, kasi lahat ng gagawin mo noong bata pa kami kahit tumanda na, hindi mo makakalimutan ‘yun, bitbit mo lagi ‘yun at ipinagyayabang mo sa mga kaibigan mo na’ uy, nagpunta kami sa ganu’n, ganito’, parang ganu’n,” sagot ni Zanjoe.

“Kailangan mong mag-invest talaga sa umpisa habang maliit pa kasi importante ‘yun, kasi kapag pangit ‘yung naumpisahan kahit pa anong gawin mo, kahit anong regalo pa ibigay mo, ‘pag lumaki na ‘yung bata, mahirap nang habulin.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Alam ng lahat na anak si Maxene ng legendary artist na si Francis Magalona o Francis M.

“Sobrang proud ako sa daddy ko and tingin ko para mas magandang tatay, ‘yun nga time and maging kaibigan ng mga anak mo. Ganu’n ang daddy ko kaya proud na proud ako sa kanya, inspirasyon ko siya at talagang dream dad ko siya kasi sa panaginip ko na lang siya nakikita at lagi ko siyang napapanaginipan at parati siyang nasa puso ko. Proud ako na daddy ko siya at sana proud din siya na anak niya ako,” say ni Maxene.

Tulad ni Maxene, ulila na rin sa ama si Beauty.

“Tama po talaga na you have to (spend) time with your children, at ‘yun ang nakuha ko sa daddy ko which is pareho tayo (Maxene) I’ll be dreaming of him na lang kasi he passed away na and most importantly, ‘yung connection n’yo, open ‘yung relationship n’yo kasi kapag maganda ang relasyon n’yo, you get to have many memories din,” say ni Beauty.

Para kay Yen, “Ang daddy ko po talaga ang dream dad ko at proud ako na siya ‘yung daddy ko dahil siya ‘yung protector ko, kasi babae ako. So ‘pag may mga nanliligaw sa akin na boys, kapag sinaktan ako, sa kanya ko po sinasabi, and he’s very responsible rin sa family.”

Marami naman ang humanga sa mala-Miss Universe na sagot ni Ms. Gloria Diaz

“Dream dad should be a good provider aside from that, he has to be a role model.  He can be the richest dad, give you the fanciest car, but if he didn’t show that he’s honest, that he’s respectable, that he’s honorable whether be a politician or a karpintero, whatever, he has to be a good role model because whether you’re a man or a woman or child, you have to have someone you look up to, not just a good provider,” magandang sabi ng beteranang aktres.

Sinundan ni Ms. Ces Quesada na hindi na rin kapiling ang ama.

“Napaka-relevant sa akin ng question na ito because ako ay isang daddy’s girl talaga. Noong lumalaki ako, ako talaga ang pinakamalapit sa tatay ko. Tatlo kaming magkakapatid, pero ako ‘yung pinakatopak sa aming tatlo and I’m the one who grew up to be an artist at sakay na sakay ng tatay ko ‘yung ganu’ng temperament ko na creative personality na bata pa lang bakla na.  So ang tatay ko, ang galing-galing sumakay.

“So like what Miss U (Gloria Diaz) said, and of course a good provider, I think. And all I can say with my dad is, he’s also my dream daddy in a sense that wala siyang ginawa, for me I’m very, very proud daughter kasi feeling ko, wala siyang ginawa para ikahiya namin siya.  

“Before he got sick, he was an RTC (Regional Trial Court) Judge and of course ang dami-daming temptations but he chose to live in a very simple life, tinuruan niya kami ng values and all that.  And I think, ‘yun ang ipinagmamalaki ko sa aking father,” mahabang kuwento ni Ms Quesada.