London (AFP)– Nagpahayag ng pagkadismaya si Novak Djokovic sa fans sa ATP Tour Finals dahil umano sa distraksiyon na kanyang natamo mula sa crowd sa kanyang semifinal win kontra kay Kei Nishikori kahapon.
Nang tanungin kung bakit sarkastiko nitong ipinalakpak ang raketa sa crowd sa O2 Arena sa London nang mag-cheer ang mga ito matapos siyang mabreak ni Nishikori sa maagang bahagi ng second set ng kanyang 6-1, 3-6, 6-0 pagwawagi, sinabi ni Djokovic na siya ay binuska ng ilang indibidwal sa sold out na 17,500 stadium crowd.
Kumaway lamang ang world number one sa fans sa pagtatapos ng laban at hindi sinunod ang tennis custom na ipirma ang pangalan sa television camera, at sa halip ay minarkahan lamang ang screen ng isang tuldok.
Ang nagdedepensang kampeon na si Djokovic, na makakatapat si Roger Federer sa final, ay ipinaliwanag na ang kanyang ikinilos ay sanhi ng pagkabagabag na hindi niya maipapanalo ang laban dahil nakaapekto sa kanyang konsentrasyon ang insidente.
“There were some individuals that were going over the line throughout the whole match, some provocations that I usually don’t react on, but I did. It was my fault,” saad ni Djokovic. “I lost concentration. I lost the break because of that. I allowed myself to be in the situation to lose the set, maybe even lose the match.”
“I should have let it go. But, you know, when you tolerate once, twice, three times, four times, we’re all humans, you react.”
“As I said, everybody is different. Everybody has a choice what they do. I just was not happy with the way that has influenced me and my game after that.”
“But it’s the way it is. I’m just glad that I overcame that. It’s a lesson. Hopefully tomorrow it will not happen.”
“Generally it was my fault and I should know better. At the end of the day, I cannot blame the crowd.”
“The crowd has a right to do what they want, to cheer for whoever they want.”