SANTO DOMINGO, Dominican Republic (AP) — Nagdesisyon ang Grammy-winning salsa singer na si Marc Anthony na muling magpakasal sa ikatlong pagkakataon.

PHOTO-Marc-Anthony-at-Shannon-de-Lima-copy-233x300Pinakasalan ni Anthony, 46, ang kanyang Venezuelan model girlfriend na si Shannon de Lima, 26, sa Dominican resort ng Casa de Campo noong Martes.

Kamakailan, ibinahagi ni Anthony sa kanyang Instagram account ang litrato nilang magkasintahan na magkasabay na naglalakad at sinulat ang salitang “surprise”.

Ito na ang ikatlong pagpapakasal ni Anthony, na may anim na anak sa mga dating nakarelasyon. Nakipaghiwalay siya noong 2011 sa pop singer at aktres na si Jennifer Lopez.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Napapanood din ang aktor sa telebisyon at ilang pelikula. Siya ay nagsimula kasama si Lopez noong 2007 sa pelikulang El Cantante, na tungkol sa buhay ni salsa pioneer Hector Lavoe.