Bukod sa mga makabayang awit, tugtugin at iba pang komposisyong kinatha ng National Artist sa musika na si Maestro Lucio D. San Pedro ay marami rin siyang kinathang religious song. Inaawit sa mga simbahan tulad ng “Isang Bayan, Isang Lahi” Eucharistic song. Maging mga simbahan sa ibang bansa na may komunidad ng mga Katolikong Pilipino, masigla rin kinakanta ang naturang awitin. Ganito ang isang bahagi ng lyrics: Katulad ng mga ubas/ na piniga at naging alak/ Sinuman uminom nito’y/ may buhay na walang hanggan/ Kami nawa’y maging sangkap/ sa pagbuo ng nitong bayan Mong liyag./ Iisang Panginoon, Iisang Katawan/ Isang bayan, Isang lahi/ sa Iyo’y nagpupugay.

Nagwagi ang awiting ito ng unang gantimpala sa idinaos na Eucharistic song writing contest na inilunsad ng Diocese ng Maynila may ilan taon na ang nakalilipas.

Sa Angono, Rizal na Art Capital ng Pilipinas na bayan ng National Artist na si Maestro San Pedro, isang religious song ang kanyang kinatha para kay San Clemente, ang ikatlong naging Papa sa Roma at patron ng Angono. Ang awit ay may pamagat na “Awit Kay San Clemente”. Kasabay nito halos ang pagkatha ng “Sa Ugoy ng Duyan” noong magtatapos ang dekada 40. Ang “Awit Kay San Clemente” ay itinuring nang dakilang pamana ng National Artist sa mga taga-Angono. Kinakanta ng choir at ng mga dumadalo nobena-misa sa mula Nobyembre 14 hanggang Nobyembre 22 taun-taon na paghahanda sa pagdiriwang ng magkasabay na pista ng Angono at ni San Clemente tuwing ika-23 ng Nobyembre. Ganito ang lyrics: San Clemente Papa’t martir/ ni Kristong Panginoon/ aming isinasamo/ pagpalain/ bayan namin/ San Clemente, San Clemente/ awit nami’y dinggin,/ San Clemente, San Clemente/ bayan namin ay ampunin.

Sa ngayon, ang “Awit kay San Clemente” palibhasa’y simple ang lyrics at madaling tandaan at maganda ang himig, nakakanta na ito ng mga batang mag-aaral at parang national anthem sa panahon ng sabay na pagdiriwang ng pista ng Angono at ni San Clemente.
National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte