JAKARTA, Indonesia (AP) – Niyanig kahapon ng malakas na lindol ang silangang Indonesia na nagbunsod ng isang maliit na tsunami at nag-panic ang mga ito ngunit walang nasawi at wala ring malaking pinsala.

Ang magnitude 7.1 na lindol ay naramdaman sa kanluran ng isla ng Halmahera.

Ayon sa meteorological agency ng Indonesia, nagkaroon ng siyam na sentimetro (3.54 pulgada) tsunami sa maliit na isla ng Jailolo pero wala itong idinulot na pinsala.
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya