Matapos na hindi nakapasok sa Final Four noong nakaraang taon, sinimulan ng University of Perpetual Help ang kanilang kampanya para sa muling pagbabalik sa Final Four at kung papalarin ay hanggang finals sa pamamagitan ng panalo sa pagbubukas kahapon ng NCAA Season 90 juniors volleyball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Ginapi ng Junior Altas ang nakaraang taong fourth placer Letran Squires sa kanilang unang laro kahapon, 25-19, 25-17, 31-33, 25-19.

Limang manlalaro ni coach Sandy Rieta ang umiskor ng double digit para sa koponan sa pangunguna ni Ricky Marcos na nagposte ng 19 puntos na kinabibilangan ng 17 hits at 2 aces.

Maliban kay Marcos, nagpasiklab din para sa Junior Altas sina Malden Deldil, Ryuji Erorma, Jody Severo at Vincent Recamara na nagsipagtala ng 16, 13, 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Tanging sa blocks lamang lumamang ang Squires sa itinala nilang 9 kumpara sa pito ng Junior Altas.

Namuno naman para sa natalong Squires sina Evan Timbali at Aaron Sena na nakaiskor ng 18 at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod.