LAS VEGAS (AP) – Nahaharap si Los Angeles Clippers star Blake Griffin sa isang misdemeanor battery charge mula sa pakikipag-away sa isang lalaki sa isang Las Vegas strip nightclub, ayon sa court records na nakuha kahapon.

Nakatakda ang arraignment ng 25-anyos na si Griffin sa Disyembre 8 sa Las Vegas justice of the peace sa asunto na maaaring maglagak sa kanya ng hanggang anim na buwan sa kulungan kung mako-convict. Ang criminal complaint ay inihain noong nagdaang Biyernes, at napadalhan na siya ng summons upang humarap sa korte.

Alam ng Clippers ang tungkol sa reklamo, ayon sa tagapagsalita ng koponan na si SethBurton, ngunit hindi nagbigay ng anumang komento.

Hindi pa malinaw kung mayroong abugado si Griffin mula Las Vegas na humahawak sa kaso.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi ng Las Vegas police noong nakaraang buwan na iniimbestigahan nila ang reklamo ng isang lalaki na siya umano ay inatake ni Griffin noong Oktubre 19.

Ang naghain ng reklamo ay isang Daniel Schuman. Hindi naman nakuhanan ng kanyang panig si Schuman sa pamamagitan ng telepono.

Ang celebrity news website na TMZ ang nag-quote kay Schuman na nagsabing hinablot siya ni Griffin sa leeg, inagaw ang kanyang cellphone at sinampal siya nito bago kinunan ng litrato sa Tao nightclub sa Venetian resort.

Si Griffin at iba pang manlalaro ng Clippers ay nasa nasabing club makaraang maglaro sa isang exhibition game sa Las Vegas kontra Denver Nuggets.