NASH-Aguas-483x500

TOTOO nga, airing na ng Bagito serye ni Nash Aguas sa Nobyembre 24, Lunes. Ang galing talaga ng NLex fans, mas nauuna pa silang makaalam sa projects kaysa sa amin.

Nagtanong kami sa source namin sa ABS-CBN at kinumpirma na eere na nga at ang timeslot daw ay pagkatapos ng Forevermore na papalit naman sa timeslot ng Hawak Kamay na magtatapos na.

Kung ganoon, hindi pala ang Flordeliza ang kapalit ng Hawak Kamay.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"Wala pang sinasabi kung ano ang timeslot ng Flordeliza, pero alam ko kapalit ng Pure Love," say ng source.

Challenging ang papel ni Nash bilang batang ama sa edad na katorse dahil sa kuwento ng Bagito ay nabuntis niya si Ella Cruz na akala niya ay mahal na niya, 'yun pala naseksihan lang ang binatilyo dahil flirt ang papel ng dalaga.

Bukod sa edad, ano kay a ang pagkakaiba ng istorya ng Bagito sa pelikulang Miguelito ni Aga Muhlach na naging batang ama at JM de Guzman sa seryeng Angelito, Batang Ama.

Makakasama ni Nash ang kanyang ka-Iove team na si Alexa Ilacad at gaganap na magulang niya sina Ariel Rivera at Angel Aquino mula sa direksyon ni Onat Diaz handog ng Dreamscape Entertainment.