Idudulog ni Sen. Pia Cayetano sa International Council on Monuments and Sites (ICOMOS) ang isyu ng “pagsalaula” sa monumento ni Gat Jose Rizal sa Rizal Park.

Ayon kay Cayetano, ilalapit niya ang usapin ngayong Linggo sa 18th General Assembly ng ICOMOS sa Florence, Italy kasama si ICOMOS Philippines president Architect Augusto Villalon para ihayag ang photo bombing sa 101-taong Rizal Shrine ng Torre de Manila, isang 49-palapag na commercial building na itinatayo malapit sa Rizal Park.

Ang ICOMOS ay binubuo ng 9,500 heritage conversation experts mula sa 100 bansa at nagsisilbing advisory body sa United Nations Organization for Education, Science and Culture (UNESCO) World Heritage Committee.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University