Kapag may nangyaring masama sa iyo, ano agad ang iyong reaksiyon? Normal lamang ang magngitngit ka sa galit o umiyak ka sa kalungkutan at mas malamang na kaakibat nito ang ilang reklamo o masasakit na salita.
Gayunman, ikaw na nagbabasa ngayon ng artikulong ito, malamang na normal ka o gusto mong maging normal.
Mahalaga na umangat ka sa normalidad. Kapag ibinigay sa iyo ng tadhana ang mangga, tanggapin mong mangga ang talagang kailangan mo. Ang ibig kong sabihin, kapag may nangyari sa iyo, iyon ang pinakamainam na pangyayari para sa iyo. Hindi ka na magrereklamo, hindi ka rin magagalit, at hindi ka malulungkot. Tanggapin mo lang. Narito ang mga dahilan:
Walang saysay kung lalabanan mo ang realidad sapagkat lagi kang matatalo. Kapag nasibak ka sa trabaho, aakit ka lamang ng mas malalang kapahamakan kung magrereklamo ka. Hindi maibabalik ang iyong trabaho sa pagrereklamo. Hindi pagiginhawahin niyon ang iyong pakiramdam. Sa totoo lang, lalo mo lamang pahahabain ang iyong paghihirap ng kalooban pati na ang kalumbayang dulot ng iyong pagkakatanggal sa trabaho sapagkat nakatuon ang iyong pag-iisip sa kalungkutan at kapighatian.
Kaya huwag ka nang magreklamo laban sa realidad kasi parang iginigiit mo na kumakahol ang pusa, hindi ngumingiyaw. Kumakahol ang aso at iyon ang katotohanan. Wala kang mapapala kung ipaglalaban mong ngumingiyaw ito.
Ganito lang kasimple: “Talagang ganyan ang buhay.” Kahit gaano ka pa kaingat sa iyong buhay, hindi mo maiiwasan ang mga negatibong situwasyon o mga pangyayaring hindi kanais-nais. At kung dumating na nga ang mga iyon, tanggapin mo na lang kaysa magreklamo at maging apektado nito.
Sundan bukas.