BEIJING (AP)—Kasunod ng matinding dalawang araw ng mga pag-uusap, pinasinayaan nina President Barack Obama at Chinese President Xi Jinping ang mga napagkasunduan sa climate change, military cooperation at kalakalan sa kanilang pagsisikap na masapawan ang namamayaning tensiyon sa dalawang pinakamalalaking ekonomiya sa mundo.

Sa pagtatapos ng kanyang unang pagbisita sa China sa loob ng anim na taon, sinabi ni Obama na siya at si Xi ay nagkaroon ng “common understanding on how the relationship between our two countries should move forward.”

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador