SAN CLEMENTE, Tarlac - Isang driver ng motorsiklo ang iniulat na namatay at apat na iba pa ang malubha nasugatan matapos nitong makabanggaan ang isang tricycle sa Poblacion Sur-Maasin Road sa Barangay Daldalayap, San Clemente, Tarlac, noong Lunes ng hapon.

Kinilala ni SPO1 Rey Fabros, traffic investigator, ang nasawing si Eddiemer Damian, 38, driver ng motorsiklo (SM-7853), ng Bgy. Poblacion Sur, San Clemente, Tarlac.

Malubhang nasugatan sina Frankie Cardona, 38, ng Bgy. Doclong 1st, San Clemente, na angkas ni Damian; Rocky Neri, 41, driver ng tricycle (QE-3699); Raquel Jeanne, 9; at Gina Neri, 40, pawang taga-Bgy. Poblacion Sur, San Clemente.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20