Nobyembre 10, 1945, magbubukang-liwayway, nang maglunsad ng naval at air bombardment ang tropang kontra rebolusyon ng Britain sa Surabaya, Indonesia, makaraang mapatay si British commander Brigadier A.W.S. Mallaby noong Oktubre 30, at tanggihan ang hiling ng Britain na sumuko ang Indonesia. Nais ng United Kingdom na kontrolin ang Surabaya.

Sa kabila ng pagtutol ng Indonesia, tatlong araw na nasakop ang kalahati ng Surabaya at tatlong linggong nagtagumpay ang British. Aabot sa 6,000 Indonesian ang namatay, at libu-libo pa ang tumakas mula sa magulong lungsod. Gayunman, umani ng pandaigdigang suporta ang Battle of Surabaya para sa Indonesian Revolution laban sa Dutch.

Ang Nobyembre 10 ay ginugunita sa bansa bilang “Heroes’ Day” (Hari Pahlawan). Inihayag ng Indonesia ang kalayaan nito noong Agosto 17, 1945, ngunit pinilit ng Dutch na mangingibabaw hanggang 1949.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race