Nobyembre 9, 1965, magtatakip silim nang naranasan ang pinakamalaking kawalan ng kuryente sa kasaysayan ng United States matapos pumalya ang 230-kilovolt na transmission line malapit sa Ontario, Canada. Nadamay din ang iba pang linya ng kuryente na labis na kargado.

Nangyari ang “The Great Northeast Blackout” sa kasagsagan ng rush hour, na milyun-milyong biyahero ang stranded; may 800,000 pasahero sa mga subway ng New York ang hindi nakalabas, at libu-libo ang stranded sa mga opisina at elevator.

Bumalik ang kuryente sa lugar kinabukasan ng umaga. Napaulat na 30 milyong tao sa walong estado ng Amerika at sa mga lalawigan sa Canada na Ontario at Quebec ang naapektuhan ng blackout.

Agosto 14, 2003 nang muling naranasan ang blackout sa malaking bahagi ng silangang Canada at Amerika.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon