SAN FERNANDO CITY - Umaabot sa P200,000 halaga ng uncertified products ang winasak kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) sa San Fernando City, La Union.

Sinabi ni Amelita Galvez, ng DTI-Region 1, na kabilang sa mga winasak ang mga substandard na Christmas lights, electrical wires, motorcycle helmets, lighters at salamin.

Boluntaryong isinuko ang mga ito matapos kumpiskahin ng mga enforcement team ng DTI na nagsagawa ng magkahiwalay na operasyon sa La Union at Ilocos Sur.

Kasabay nito, nagbabala ang DTI sa mga mamimili na suriing mabuti ang mga bibilhing produkto, gaya ng home appliances, electrical devices, gamit sa konstruksiyon at chemical products para na rin sa kanilang kapakanan.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20