Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

BULONG ng spy namin na malapit sa kampo ni Matteo Guidicelli, mukhang pumasa na ang aktor sa ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine.

Nagbunga na kung ganoon ang sinabi rin ng source naming ito noon pa na sobrang pagiging masunurin ni Matteo sa parents ng dalaga. Katunayan, halos lahat ng mga ginusto ni Mommy Divine na may kinalaman sa relasyon ng dalawa ay ginawa ng ni Matteo.

Lahat ng request ng ina ni Sarah ay pinagbigyan ng binata.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Kuwento pa ng source, sa huling dinner date nina Sarah at Matteo ay hinayaan ni Matteo na kasama nila ang halos buong pamilya ng kasintahan.

Ipinaalam daw kasi ni Matteo sa ina ni Sarah ang “dinner date” nila ng kasintahan sa isang kilalang resto na bihirang puntahan ng maraming tao. Inakala noong una ng mga namamahala ng resto na para lang sa dalawa ang reservation ng aktor.

Pero parang exclusive party ang naganap dahil bukod sa magkasintahan ay ka-dinner nila ang mommy at daddy ni Sarah pati na ang mga alalay at bodyguards ng mga ito, huh!

Dagdag ng source namin, nakikita niyang magkasundung-magkasundo na sina Matteo at si Mommy Divine at ni konting hinanakit, dahil hindi pa nangyaring nasolo ni Matteo si Sarah sa isang dinner date, ay hindi makikita sa aktor.

Walang anumang reklamo si Matteo na ipinadarama raw yata sa pamilya ni Sarah na seryosung-seryoso siya sa Pop Star Princess. Dahil daw diyan ay tila nakukuha naman ni Matteo ang tiwala ng ina ni Sarah.

“Maski na nga si Sarah, eh, lalong napabilib ni Matteo. Kumbaga, sa ginagawang sakripisyo ng boyfriend niya, walang dudang mahal na mahal talaga siya nito,” sey pa ng source.