Laro ngayon: (Cuneta Astrodome)

4 pm -- Generika vs Mane ‘N Tale (W)

6 pm -- Foton vs Petron (W)

8 pm -- Cignal vs Cavite (M)

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

Aasintahin ng crowd favorite Petron ang malinis na karta sa unang round sa pakikipagtuos ng mga ito ngayon sa gumagaralgal na Foton sa pagpapatuloy ng aksiyon ng 2014 Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix na iprinisinta ng Asics sa Cuneta Astrodome.

Nakatakda ang bakbakan sa ganap na alas-6:00 ng gabi matapos ang ‘highly-anticipated match’ sa pagitan ng Generika at Mane ‘N Tale sa ganap na alas-4:00 ng hapon sa women’s division para sa prestihiyosong inter-club tournament na inorganisa ng Sports Core sa tulong ng Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

Samantala, susubukan ng unbeaten Cignal ang lakas ng Cavite sa ganap na alas-8:00 ng gabi sa men’s side sa kompetisyon na itinataguyod din ng Solar Sports bilang official broadcast partner.

Tinagurian bilang ‘team-to-beat’ sa pagkakaroon ng balanseng roster at pares ng kuwalidad at naggagandahang imports, kumasa ang Blaze Spikers sa torneo na tila isang malakas na bagyo kung saan ay napagwagian na nila ang apat na sunod na panalo sa kumbinsidong laban, na nagpaalala ng matinding mensahe na handa na nilang kamkamin ang korona na binakante ng three-time champion Philippine Army.

Sa kanilang nakaraang panalo, nalusutan ng Blaze Spikers ang masamang panimula upang biguin ang RC Cola-Air Force, 28-30, 25-23, 25-16, 25-19, kung saan ang dating Miss Oregon na si Alaina Bergsma ang namuno sa ikinasa nitong 26 puntos at tumapos naman si top rookie Dindin Santiago na mayroong 17 markers.

Sa pangyayari, komportableng umupo ang Petron sa ibabaw ng team standings na taglay ang markang 4-0 slate habang ang Cignal (3-1) at RC Cola-Air Force (3-2) ay nasa ikalawa at ikatlong puwesto, na umentra sa huling playing day sa unang round.

“It’s all about preparation,” saad ni Petron coach George Pascua. “All teams are equally strong. We all have good locals and a pair of imports. It all boils down to how hard you do your homework. Nothing beats preparation, especially in volleyball.”

Bagamat ang expansion team na Foton ay may pag-asang magwagi sa apat na pagsisimula, ‘di naman naging pushovers ang Tornadoes at dalhin ang laro sa isang sorpresa. Sa katunayan, nakipagsabayan pa ang mga ito sa Cignal sa napakaanghang na unang set bago ang kanilang 6-foot-3 Russian import na si Irina Tarasava ay bumagsak at magtamo ng stiffed neck upang tuluyan nang sumuko ang Tornadoes sa 25-27, 14-25, 21-25 decision.

“They have nothing to lose, they play their hearts out game in and game out,” dagdag ni Pascua. “That’s why we have to be more cautious. We still have to bring out our A-game against this hungry team.”

Ang isa pang interesadong labanan ay ang curtain-raiser sa pagitan ng Generika at Mane ‘N Tale.

Mayroong pinaka-prolific import sa katauhan ni Kristy Jaeckel na nagpamalas ng career-best performance, itinuring na ang Lady Stallions na magbibigay ng slam-bang action kontra sa Life Savers, kinabibilangan ng nucleus na multi-titled De La Salle Lady Spikers.

Laban sa Raiders, pinasabog ni Jaeckel 38 puntos, halos naipatas ang kanyang 40-point effort na sinasabing mas produktibong performance sa kasaysayan ng local volleyball circuit.

“I just do what I have to do,” saad ng 6-foot-3 na si Jaeckel, nagmamay-ari ng isa sa pinakamagandang mukha sa liga. “If I have to score a lot just to carry my team to victory, then I will gladly do it.”