Tinutugis ngayon ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang mga hired killer na tumambang at bumaril sa namatay lady executive ng isang kumpanya sa Quezon City, iniulat ng pulisya kahapon.

Sa report ni P/Sr. Insp. Elmer Monsalve ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, ang biktimang si Menchu Go Chingco, 45, general manager ng Modolette Construction and Development Corporation (MCDC), ay nagmamaneho ng kanyang itim na Toyota Vios sa Panay Ave., Bgy. Paligsahan, Quezon City dakong 7:00 ng gabi. Bigla na lamang sumulpot ang mga armadong lalaki na lulan ng dalawang motorsiklo at pinaulanan siya ng bala.

Makaraan ang pamamaril, nakita ang duguang bangkay ng biktima sa upuan ng sasakyan, basag ang window shield at tadtad ng bala ang kotse.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng krimen.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists