TAAL, Batangas - Hindi nailigtas ng mga doktor ang buhay ng isang 30-anyos na kasador sa sabungan na pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Taal, Batangas.

Namatay sa Batangas Provincial Hospital si Ricardo Virrey, kasador sa Taal Cockpit arena at residente ng Lemery.

Ayon sa report ni PO3 Erwyne Requiño, dakong 3:45 ng hapon noong Nobyembre 6, paalis na ang biktima galing sa sabungan sa Barangay Halang at pasakay sa kanyang Toyota Corolla (UHA-186) nang humarang ang isang motorsiklo.

Pinagbabaril umano si Virrey ng isa sa mga suspek na naka-bonnet ang biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi pa matukoy ang motibo sa pamamaril.