SYDNEY (Reuters) - Kanselado ang nakatakdang concert ni Mick Jagger ngayong araw dahil sa pagkakaroon ng throat infection at pagkaka-diagnose, ayon sa promoters nito.

Naglabas ng pahayag ang Frontier, isa sa mga tour promoter nito, sa kanilang website at sinabing si Jagger, 71, ay pinayuhan ng kanyang doktor na ipahinga ang kanyang lalamunan.

“The Stones are incredibly disappointed to cancel the Hanging Rock gig & to disappoint their fans,” ayon sa Rolling Stones sa Twitter.

Matatandaan noong nakaraang buwan, naudlot din ang tour ng banda dahil sa pagkamatay ng nobya ni Jagger na si L’Wren Scott matapos matagpuang patay sa kanyang inuupahang tirahan sa New York.

National

Taga-Maynila, winner ng ₱107.8M sa Lotto 6/42

Magaganap sana ang cocert sa Hanging Rock, 80 kms (50 miles) hilagang bahagi ng Melbourne sa state of Victoria. Ibabalik ang pera ng mga nakabili ng ticket.

Nakatakdang ituloy ang concert ng The Stones sa Sydney sa Nobyembre 12.