TAAL, Batangas - Bukod sa natangayan ng benta ng tindahan, nasugatan pa ang isang babaeng negosyante matapos siyang mabaril ng nangholdap sa kanya sa Taal, Batangas.

Nasa P40,000 ang natangay ng suspek mula kay Scarlet Legaspi.

Ayon sa report ni Senior Insp. Allan De Castro, bandang 10:50 ng gabi noong Nobyembre 6, isinasarado ni Legaspi ang kanyang mini grocery sa Barangay Zone 7 nang dumating ang hindi nakilalang suspek at pilit inagaw ang bag ng biktima, hanggang sa magpaputok ng baril ang suspek.

Sen. Imee sa muling pagkabuhay ni Kristo: 'Simbolo ng bagong simula'