KUMUKUTI-KUTITAP ● Panahon na naman ng pagde-decorate ng ating mga tahanan, loob at labas ng ating bakuran, bilang paghahanda sa pagsapit ng Pasko. At siyempre, hindi mawawala ang Christmas lights na magpapatingkad ng ating mga palamuti. Dahil halos isang taon nakatago sa kung saan ang iyong Christmas lights, malamang na marami sa mga ilaw niyon ay pundido na. Nalaman mo na makabibili ka pala ng murang Christmas lights, at mas malamang din na mangangahas kang dagdagan ng mga ilaw ang mga espasyong walang dekorasyon sa iyong tahanan – dahil nga mura ang Christmas lights.

Ngunit hindi ka ba natatakot na maging mitsa iyon ng malaking sunog? Nagpapaalala ang Meralco na gumamit na lamang ng LED o light emitting diode na ilaw para sa dekorasyon. Maaari ngang mas mahal ito kaysa ordinaryong Christmas light ngunit mas kapaki-pakinabang sapagkat bukod sa ligtas ito ay tumatagal pa. Nagpapaalala rin ang Meralco na ugaliin natin ang pagtitipid sa kuryente gaya ng pagtatanggal sa saksakan ang Christmas lights at ilaw ng mga parol pati na ng electrical appliances bago matulog. Kahit pa tatapyasan ng Meralco ng P.41 kada kilowatt hour ang ating electric bill, malaki pa rin ang maitutulong ng pagtitipd sa kuryent. Kasa sa susunod na bibili ka ng Christmas lights, panalo ka sa LED. it’s your choice.

THE MORE THE MERRIER ● Magdadagdag ng pulis sa Caloocan City upang masugpo ang krimen. isa sa mga dahilan kung bakit mataas ang crime rate sa naturang lungsod ay ang kakulangan sa pulis. Kaya naman hiniling ni Mayor oscar Malapitan sa Department of interior and Local government (DiLg) na dagdagan ang bilang ng mga pulis sa Caloocan. Sa kasalukuyan, mayroon lamang 780 pilis sa Caloocan Police Station upang paglingkuran ang malaking populasyon ng naturang lungsod na sadyang hindi sapat. ang Caloocan City ang pangatlo sa pinakamaraming residente sa Metro Manila. Bagamat nabigyan ang Caloocan Polcie ng 120 bagong graduate na plis na sumasailalim sa field training ngunit kailangan ng lungsod ang hgit sa doble ng 780 kasalukuyang puwersa ng pulisya. Nais nating i-congratulate ang pagkakatalaga ng bagong hepe ng Caloocan Police si P/Sr. Supt. Bartolome Bustamante na humalili kay P/Sr. Supt. ariel arcinas. Siya ay mula sa PMa Class 1989 at galing sa Criminal investigation and Detection group sa Camp Crame. Makaaasa ang mga residente ng Caloocan ng ibayong pamamalakad ng puwersa ng pulisya.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente