BAGHDAD (AP) — Nang umurong ang mga militanteng Islamic State sa bayan ng Jurf al-Sakher noong nakaraang linggo, lumutang ang mga litrato sa independent Iraqi news websites na nagbubunyag ng isang mas lihim na presensiya -- ng Iranian general na si Ghasem Soleimani, na ang pangalan ay kasingkahulugan ng maraming tagumpay sa Iraqi ground forces. Sinabi ng mga local commander na sangkot din sa pagdedepensa sa Baghdad ang Hezbollah Shiite militia group ng Lebanon.

Sinabi ng mga militia commander sa The Associated Press na ilang dosenang adviser mula sa Hezbollah at ang Iranian Revolutionary Guard ang nasa bakbakan sa Jurf al-Sakher. Ang mga adviser ang nagbibigay ng pagsasanay sa mga armas sa may 7,000 hukbong Iraqi at militia fighters at nakikipagtulungan sa mga military commander bago ang operasyon.

Ayon sa sources, malaking tulong ang presensiya ni Soleimani, lider ng Quds Force, ang special operations arm ng Revolutionary Guard ng Iran, sa pagsupil sa pananakop ng IS sa bayan ng Amirli noong Agosto, lungsod ng Samarra noong Hunyo at sa depensa ng Kurdish fighters sa Irbil noong Setyembre.

Inilarawan ng mga militia commander si Soleimani na “fearless” at hind nagsusuot ng flak jacket sa bakbakan.
National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros