HOUSTON (AP)- Bago magtungo sa laro laban sa San Antonio Spurs, may minataan na si Houston Rockets coach Kevin McHale sa Hang matchups.

Isa na sa kanyang sinilip ay iposte si Dwight Howard.

At nangyari nga ang plano.

Wala sa hanay ng San Antonio ang big bodies na sina Tim Duncan, fellow veteran Manu Ginobili, at Tiago Splitter (right calf tightness), kayat dinominahan ni Howard interior mula sa opening tip upang magtala ito ng 32 puntos at sunggaban ang 16 rebounds upang pamunuan ang Houston sa 98-81 victory.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

"We looked at some stuff (on tape) and we got him in the post," pagmamalaki ni McHale. "I thought (Howard) rolled hard and got some late at the rim. He was really devastating on those high passes. It's important that he gets in a rhythm and plays. It doesn't matter who is out there playing for them, he's got to play well for us."

Ang panalo ang nagkaloob sa Houston ng record sa league best na 6-0 habang sumadsad naman ang San Antonio sa 2-2.

Wala sina Duncan o Splitter sa loob, nakapagdesisyon ang Houston para sa bentahe kung saan ay naginit agad sila sa pagsisimula ng laro, habang si Howard ang tumikada sa bawat yugto. Kahit pa na pick-and-roll, sa elbow, o alley-oop passes, tanging si Howard ang target kung saan ay nagtala ito ng double-double 20 points at 12 rebounds sa halftime, bukod pa sa nadepensahan nang husto sa Spurs sina Matt Bonner, Jeff Ayers, at Aron Baynes.

"We are a sum-of-the-parts team," ayon kay Popovich. "We have to have all our parts to be at our best. We can't rely on one player. We have to do it as a group. If we have injuries, we need our full bench to continue to play at our best."

Nang'di makaiskor si Howard sa loob, mismong si James Harden ang nagtala sa stat sheet, nag-ambag ng 20 puntos, 6 rebounds at 6 assists para sa Rockets. Habang nakikipagtalastasan ng puntos, klarong si Harden ang nagbigay ng bentahe nang puwersahin nito ang loob ng korte.

"It's tough with the best big man in the league rolling down the paint," pahayag ni Harden hinggil kay Howard. "He's a lob target, and you have shooters around him. It's tough to guard it."

Habang gumaralgal ang Spurs upang pigilan si Howard, nagkaroon sila ng maliit na consistency sa tuwing hawak ang bola. Nagsimula sila sa laro na matamlay, scoreless sa unang anim na minuto.

Una rito, nailapit ng San Antonio ang iskor sa 18-15 sa pagtatapos ng unang quarter, subalit iyon na ang pinakamalapit nila. Ito ang pinakamainit na

pagtatapos ng Rockets kontra sa defending NBA champs, napag-iwanan ng mahigit sa 31 puntos, na may 34.4 percent sa shooting mula sa field.

"It was a bad night tOnight and I couldn't hit a shot," pahayag ni Tony Parker, tumapos na mayroon lamang 6 puntos. "Defensively, we did OK, but we never got into an offensive rhythm."

Pinamunuan ni Cory Joseph ang Spurs na taglay ang 18 puntos habang nagposte si Baynes ng 12 puntos at 11 rebounds.