Nagdulot sa pagsisikip ng trapiko at bahagyang polusyon sa biglaang pagkasunog ng makina ng nag-iisang bus ng Philippine Sports Commission (PSC) sa kahabaan ng España, Manila noong Huwebes.

Base sa isinumiteng ulat sa Office of the PSC Executive Director, nakatakda sanang magtungo ang bus sa Vito Cruz, Manila para kumuha ng mga sports equipment at ilang kagamitan na gagamitin para sa mga aktibidad ng ahensiya ng gobyerno sa palakasan nang biglang umusok ang makina habang nasa kalagitnaan ng kalsada ng España.

Napag-alaman kay PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr. na wala namang nasaktan sa mga sakay ng bus bagamat inamin nito na lubha nang luma ang nasabing kulay abuhin na bus.

“Matagal na rin kasi ang serbisyo ng bus na iyon,” sinabi ni Iroy.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Hindi pa naman kami mabigyan ng Department of Budget and Management (DBM) kahit isa na magagamit sa pagtatransfer natin ng mga equipment dahil maraming mas priority sa ating bansa na dapat pagbigyan,” ayon pa kay Iroy.

Nakatakda sanang maglipat ng mga kagamitan ang bus sa isasagawang 2014 Batang Pinoy Luzon qualifying leg na gaganapin sa Naga City, Camarines Sur bago naganap ang insidente.