Maituturing na mapalad na ang isang tao na may kapatid na babae. Kahit hindi siya magsalita, mamasdan mo lang ang kanyang ngiti, naroon ang mensaheng may karamay ka sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. narito pa ang ilang dahilan kung bakit mainam na gawin mong best friend ang kapatid mong babae

  • Magkaibigan kayo simula pa noong naka-diaper pa kayo. - Nakita na ng kapatid mong babae ang iyong mga pagdurusa at tagumpay na iyomg naranasan sa buhay at ang pinakamahalaga rito ay ang mga panahong hinuhubog mo ang iyong karakter simula pa noong ikaw ay paslit. Nag-uugnayan kayong dalawa sa paraan na kayo lang ang may kakayahan.
  • Gayong may kaibahan sa pagiging panganay, gitna, at bunso sa pamilya, pinalaki kayo sa parehing mga magulang. tinuruan kayo ng parehong kagandahang-asal. naranasan ninyo ang parehong bakasyon, Pasko, Bagong taon, Semana Santa, atbp. nakatira kayo sa iisang tahanan, sumakay sa iisang duyan. Hindi lang ninyo taglay ang mga bagay na ito kundi pati na ang iisang dugo ang nananalaytay sa inyong buong katawan kung kaya kayo magkapareho.

    National

    Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

  • Siya ang iyong therapist. - Nauunawaan ng kapatid na babae ang iyong mga ikinikilos base sa pagpapalaki ng inyong mga magilang. Ang mga nnguari sa iyo noong bata ka pa ay maaaring naghubog sa iyong pagkatao. Kung hindi mo makita ang dahilan kung bakit hindi mo minsaa maintindihan ang iyong sarili, alam ng kapatid mong babae kung ano ang pinag-uugatan niyon, na maaaring nagmula sa isang karanasang matagal mo nang nalimutan.Mauunawaan ng iyong kapatid na babae ang iyong ikinikilos.

Kung kapos sa komunikasyon ang inyong pamilya, malamang na hindi ka sanay makisalamuha sa iba. Kaya kung hindi ka mawari ng iyong mga kasama sa trabaho o eskuwela o sa bahay, alam ng kapatid mong babae ang nangyayari sa iyo. Naipahahayag ng kapatid na babae ang tunay nilang damdamin at mas madalas na inuungkat ang nakalipas upang maunawaan at maresolba ang kasalukuyan. Totoong nakatutulong sa pamilya ang may ibang pananaw.

Sundan bukas