May puso rin pala ang Sandiganbayan. Pinayagan nito ang pakiusap na lumabas ng ilang oras si Aling Maliit (GMA) mula sa Veterans’ Memorial Medical Center para masilayan ang yumao niyang apo na anak ni Luli Macapagal-Bernas sa burol nito.

Isipin ninyo, kaytagal nang naka-hospital arrest si GMA gayong ang ilang niyang co-accused sa kasong plunder ay pinayagang makapagpiyansa para sa pansamantalang paglaya!

Tinaningan ni Sen. Antonio Trillanes iV at ng Senate Blue Ribbon sub-committee hanggang Nob. 22 si VP Jojo Binay para dumalo sa hearing tungkol sa umano ay overpricing ng Makati City Parking Building. Nais din ng mga senador na magpaliwanag si VP hinggil sa alegasyong pag-aari niya ang Hacienda Binay sa Rosario, Batangas.

Katwiran nila, kung wala kang itinatago eh bakit ayaw mong dumalo. Handa raw si Sen. President Franklin Drilon na humarap sa Blue ribboon Committee kaugnay ng akusasyong may overpricing din sa ipinagagawa niyang Iloilo International Convention Center.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Noong Lunes, sinabihan ni Pnoy si VP Binay na malaya siyang umalis sa gabinete kung hindi niya gusto ang pamamahala ng Aquino government sa bansa. Maliwanag na napikon ang binatang Pangulo nang sa isang okasyon ay punahin ni VP ang DAP, maling pagtrato raw kay ex-Pres. GMA na isang babae, may sakit at naka-hospital arrest, at power crisis.

Samantala, duda si Sen. Trillanes kung matutuloy ang debate nila ni VP Binay na nakatakda yatang gawin sa Nob. 10. Inaayos na ito ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas. Dapat ay hindi umatras sa Binay sa debate kay Trillanes; at dapat ay humarap din siya sa Senado at magpaliwanag.Kapag umatras siya vs trillanes at hindi dumalo sa komite ni Sen. Koko Pimentel, baka tawagin siyang “Boy Atras”.