Masisilayan ang isa sa pinakasaganang pagsasaboy ng liwanag sa kalangitan sa Nobyembre 18.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dalawang araw na masisilayan ang Leonids meteor shower sa silangan at ang peak nito ay sa madaling araw ng Nobyembre 18.

Gayunman, hindi gaya ng nakalipas na mga taon na daan-daang mateors ang bumulaga sa kalangitan, sinabi ng mga astronomer at mga eksperto na hindi ganoon kadami ang meteors ngayong taon.

Isang zenithal hourly rate (ZHR) ng 10 meteor ang posibleng masilayan sa gabi ng Nobyembre 17 hanggang sa madaling araw ng susunod na araw.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ayon sa PAGASA, ang Leonids meteor shower ay mula sa mga piraso ng debris na dulot ng paulit-ulit na pagdaan sa inner solar system ng kometang 55P/Tempel-Tuttle.

Batay sa web research, ang kometang Tempel-Tuttle ay unang natukoy ni Gottfried Kirch noong 1699 ngunit hindi kinilala bilang periodic comet hanggang sa madiskubre ni Ernst Tempel noong Disyembre 19, 1865 at ni Horace Parnell Tuttle noong Enero 6, 1866. - Ellalyn B. De Vera