Nobyembre 7, 1991, nang kumpirmahin ni National Basketball Association (NBA) legend Earvin “Magic” Johnson (ipinanganak noong 1959) ang kanyang pagreretiro sa Los Angeles Lakers, matapos malaman na siya ay positibo sa human immunodeficiency virus (HIV). Siya ang unang atleta na umamin na positibo sa HIV, sa kabila ng pagiging heterosexual. Sa panahong iyon, iniuugnay ng mga Amerikano ang acquired immune deficiency syndrome (AIDS) sa mga homosexual.

Ibinuhos ni Johnson, 6’9” na point guard, ang kanyang 13 taong karera sa Lakers, at natulungan ang kanilang koponan na makuha ang limang championship titles noong 1980s. Siya ay iniidolo ng karamihan dahil sa pagmamahal niya sa basketball, pagiging masayahin, at mahusay na pagpasa ng bola. Siya ang hinirang na most valuable player ng NBA All Star Game noong 1992.

Kasalukuyang kinikilala si Johnson sa kanyang advocacy laban sa AIDS, at bilang matagumpay na negosyante.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez