Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang isang 18 anyos na babae at kasamahan nito matapos tangkaing suhulan ng baryang P5 ang isang pulis na sumita sa kanilang motorsiklong walang reshistro sa Pasay City kahapon.

Kinilala ni Senior Insp. Vicente Barrameda ang dalawang naaresto na sina Gretchen Dionaldo, 18, ng 4005 Culsidac, Barangay Sun Valley, Paranaque City at Ruel Dela Rosa, 28, ng 313 SK Ramirez St., Taguig City.

Si Gretchen ay kinasuhan ng attempted corruption of public official/police officer, disobedience to unlawful order at oral defamation.

Habang si De la Rosa ay kinasuhan ng driving without license, hindi rehistradong motorsiklo at disobedience to a lawful order.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagmamando ng checkpoint ang grupo ni Barrameda nag dumaan ang dalawang suspek sakay ng isang itim na motorsiklo na may plakang 5235 NR sa Andrew Avenue, Villamor, Pasay City.

Nang hilingin ng police team ang rehistro ng motorsiklo at driver’s license ni De la Rosa, tumanggi ang mga ito at sa halip ay nag-alok ng P5 barya sa awtoridad. (Mitch Arceo)