Miriam Defensor Santiago

Sinabi ni Senator Miriam Defensor Santiago na tiyak siyang mananalo bilang susunod na pangulo ng bansa dahil hindi siya tatakbo kung hindi siya siguradong mananalo sa 2016.

Sa panayam ng ekonomistang si Winnie Monsod sa telebisyon, sinabi ni Santiago “50-50” ang tyansa na siya ay tatakbo sa pampanguluhan susunod na eleksiyon dahil marami pa ring tao ang hinihikayat siya na puntiryahin ang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Ibinandera pa ng senadora na kaya niyang talunin si Vice President Jejomar C. Binay sa presidential derby kahit pa wala siyang sapat na pondo dahil susuportahan siya ng mga malalaking negosyante na nais maging globally competitive ang Pilipinas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bagamat siya ay nakararanas ng chronic fatigue syndrome, ideneklara na ng kanyang cancer specialist na 90 porsiyento ng kanyang cancer cells sa kaliwang baga ay magaling na.

“Tandaan niyo, matapos ang limang taon na ideneklarang cancer-free ay maaari pa ring bumalik ito. At siguradong magpipiyesta ang mga kalaban ko,” ayon pa sa beteranang mambabatas.

Aniya, kung siya ay magdedesisyon na tumakbo, nais niyang makatambal si Davao City Mayor Rodrigo Duterte o si dating Defense Secretary Gibo Teodoro. - Mario B. Casayuran