Labis na nagpapasalamat ang panganay na anak ni dating senador at dating DENR Secretary Heherson Alvarez at hindi nagtamo ng malalang sugat ang ama matapos bumangga sa truck ang sinasakyan niyang Montero Sport sa Barangay. Pandanon Silos, Murcia, Negros Occidental kahapon.

Heherson AlvarezSinabi ni Hexilon Alvarez na nasa maayos nang kalagayan ang kanyang ama at nagpapagaling na sa ospital.

Aniya, lubos ang pasasalamat ng kanilang pamilya sa mga tumulong para maisugod sa ospital ang kanyang ama at mga kasama sa sasakyan.

Napag-alaman na galing sa isang climate change conference sa Talisay City ang kanyang ama at patungo sa San Carlos City upang matingnan ang solar field sa isang solar power plant nang maganap ang aksidente.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon pa kay Alvarez, nagkataong dumaan sa lugar si Vice Governor Eugenio Jose Lacson mula sa San Carlos City at nakita ang aksidente kaya agad gumawa ng paraan upang matulungan ang dating senador at mga kasama nito.

Bukod sa dating senador ay nasa ligtas ding kalagayan ang kanyang mga kasamang staff at isang personnel ng Bacolod City Environment and Natural Resources Office (CENRO).