Hiniling ng Philippine Farmers Forum kay Pangulong Aquino na itatatag ang Coco Levy Trust Fund sa pamamagitan ng isang executive order na isinumite sa malakanyang noong Hulyo 2, 2014.

Nais din ng grupo na itatag ang Coconut Farmers Trust Fund Coordinating Council upang agaran maipagkaloob ang mga benepisyo sa mga coconut farmer sa bansa.

Maliban sa EO , isinulong din ng grupo ang Senate Bill No. 2126 ni Senator Cynthia Villar na pagdeklara sa Coconut Levy Fund bilang public fund na ang tanging makikinabang ay mga magniniyog na pinanggalingan ng pondo.

Nabatid kina Joey Faustino, executive director ng Coconut Industry Reform Movement at Dionicio Antonio, chairman ng Philippine Farmers Forum, noong Setyembre 21 pa nagsimulang magmartsa ang mga magniniyog mula sa Davao City patungong Maynila at hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayaring positibo sa kanilang kahilingan.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nais ng grupo na makipagdayalogo sa Pangulo upang sertipikahan bilang “urgent” ang mga panukala na may kinalaman sa Coco Levy Fund.

Anila , lubhang nababahala ang grupo dahil magpahanggang ngayon ay nananatili ang P 56.5 bilyong pondo sa national treasury samantalang ang mahigit na P14 bilyon ay ideneposito sa United Coconut Planters Bank (UCPB) sa hindi nila mabatid na kadahilanan.