Nobyembre 5, 1530 nang tangayin ng tinaguriang St. Felix Flood ang malaking bahagi ng Flanders at Zeeland sa Netherlands at mahigit 120,000 ang nasawi habang higit sa $100 million halaga ng ari-arian ang nawasak. May kabuuang 18 bayan ang naglaho sa mismong St. Felix’s Feast, sa ilalim ng pamumuno ni Holy Roman Emperor Charles V.

Gayunman, nakaligtas sa baha ang mga residente ng lungsod ng Reimerswaal dahil mas mataas ang kanilang lugar. Naging isla ang siyudad dahil sa baha.

Ang baha ay bunsod ng biglang bugso ng tubig, at masalimuot ang naging epekto nito dahil sa kawalan ng babala at sapat na rescue operation.

Isinulat ni Audrey Lambert, “All the Oost Wetering of Zuid-Beveland was lost.”
National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros