DAGUPAN CITY – Patuloy ang istriktong pagbabawal ng Dagupan City Agriculture Office (CAO) sa paghahango at pagbebenta ng lahat ng uri ng shellfish mula sa kanlurang bahagi ng Pangasinan matapos matukoy na positibo sa red tide toxin ang Alaminos City.

Ayon sa Shellfish Bulletin No. 27 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kabilang na rin ang baybayin ng Bani, Pangasinan sa mga lugar sa lalawigan na positibo sa red tide.

Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng health authorities sa lungsod na ito ang pagkakalason ng 19 na katao sa San Carlos City dahil sa pagkain ng maalat na itlog. (Liezle Basa Iñigo)
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya