Jaclyn Jose

KUNG masamang kontrabida siya sa bayaniserye ng GMA-7 na Ilustrado, masaya si Jaclyn Jose sa bago niyang role sa More Than Words na very, very light ang character niya.

“First time kong gaganap na mabait na nanay to Ikay, kay Janine Gutierrez,” kuwento ni Jaclyn after the press launch ng primetime romantic-comedy-drama series nila. “Magaan sa pakiramdam na nagpapatawa naman ako ngayon. Kapag kontrabida kasi ang role ko, sa umaga pa lang galit na ako, kaya hanggang gabi, galit ako. Mabigat sa pakiramdam. Dito, dahil mabait ako, parang okey lamang sa akin ang lahat, kaya for a change, magko-comedy naman ako. Stay-out yaya ako at mahal na mahal ko ang anak kong si Ikay. Sekreto kung sino ang tatay niya. Sana nga ay magustuhan naman ng mga manonood ang bagong Jaclyn Jose.”

Natanong tuloy si Jaclyn kung ganoon din siya sa anak na si Andi Eigenmann, open book nga naman ang tungkol sa relasyon nilang mag-ina. Magkasama pa rin ba sila ni Andi sa bahay niya?

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“Yes, magkasama pa rin kami sa bahay, pero hinahayaan ko siyang mag-decide sa sarili niya. Kilala ko ang anak ko na matapang at kaya niyang harapin ang mga problemang dumarating sa kanya. Hindi naman siya nag-o-open up sa akin, hindi siya humihingi ng advice, basta trabaho rin lang siya nang trabaho. Kapag may time siya to bond with her daughter, Elle, lumalabas sila, kababalik nga lang nila from Hong Kong Disneyland, habang may time pa raw siya bago magsimula ng bagong movie sa Viva Films. Hinahayaan ko siyang mag-enjoy kung ano ang gusto niyang gawin, she knows naman what she is doing. She’s a responsible mom naman, tulad ko rin na napalaki ko siyang bilang mom and dad sa kanya.”

Sinagot din ni Jaclyn ang tanong kung tuloy pa rin ang relasyon nina Andi at Jake Ejercito, at kung nag-uusap din sila ni Jake. Friends daw kasi ng sister niyang si Veronica Jones ang mommy ni Jake na si Laarni Enriquez at kung may dinner or lunch sila, nakikita niya si Jake at nag-uusap naman sila. Labas daw sa friendship nila nina Veronica at Laarni ang tungkol sa relasyon nina Jake at Andi, sila na ang bahala roon. Basta kung kailangan siya ni Andi, nandoon lamang siya.

Kumusta namang katrabaho ni Jaclyn sina Elmo (Magalona) at Janine?

“Para sa akin they are perfect for their roles, magaling sila, very smart. Alam ko magugustuhan sila rito ng mga manonood.”

Nagsimula na nitong Lunes, November 3, ang More Than Words bago ang 24 Oras sa GMA-7.