Sinampahan ng kasong graft ng Office of the Ombudsman ang isang dating mayor ng Lapu-Lapu City at 19 iba pa dahil sa maanomalyang pagbili ng computers na umano’y overpriced ng P12 milyon.

Kinasuhan ng paglabag ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa Sandiganbayan si dating Lapu-Lapu City Mayor Arturo Radaza at mga kasamahan nito kaugnay sa overpricing umano ng 470 computer na binili ng lokal na pamahalaan noong 2005.

Kabilang din sa mga kinasuhan sina Janet Valencia, Kein Enterprises manager at proprietor; at mga opisyal ng Lapu-Lapu City na sina Vincent Joseph Lim, Teodulo Ybanez, Fernando Tagaan Jr., Michael Dignos, Victoria Andoy, Elena Pacaldo, Rogelio Veloso, Dr. Cipriano Flores, Engr. Sharon Baguio, Buenaventura Igot, Jerico Mercado, Engr., Maribeth Sorono, Marita Guiao, Cleofe Solis, Leandro Dante, Ernesto Imbong, Rogaciano Tampus, at Serena Uy.

Sinabi ng prosekusyon na binili sa Kein Enterprises sa halagang P49,950 kada computer na umano’y may mababang kalidad at hindi naaayon sa specification na itinakda sa purchase order.

Metro

Ginang, patay sa pananaksak ng kapitbahay na lasing

Sa kabila nito, binayaran pa rin ni Radaza ang mga computer ng P23,476,500 sa Kein Enterprises. Subalit napag-alaman ng prosekusyon na ang kada computer ay nagkakahalaga lamang ng P23,100.