Isang dating alkalde ng Agusan del Norte ang kinasuhan ng Office of the Ombudsman sa pagbili noong 2004 ng mga organic fertilizer na nasa P2.6 milyon ang labis na presyo.

Kinasuhan sa Sandiganbayan si inarestodating Buenavista Mayor Percianita Racho sa paglabag sa Section 3(e) ng RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

Inirekomenda ng Ombudsman ang pagpipiyansa ni Racho ng P30,000.

Taong 2004 nang bumili si Racho ng 2,000 litro ng organic fertilizer sa halagang P3 milyon noong alkalde pa siya.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ayon sa charge sheet, sinabi ng mga state prosecutor na mismong ang kanyang bayan ang nadisbentahe ni Racho nang inalisan niya ito ng pagkakataong magkaroon ng mas akmang presyo para sa kaparehong uri ng pataba.

Sa 2,000 liter, sinabi ng mga abogado ng gobyerno na aabot lang ng P250,000 ang binayaran ni Racho sa kaparehong pataba mula sa ibang supplier.

Dahil dito, ayon sa Ombudsman, umabot sa P2,605,000 ang sobrang ibinayad ng pamahalaang bayan sa nasabing pataba mula sa Feshan Philippines, Inc.

Inakusahan si Racho ng pagsasamantala sa kanyang posisyon sa pagpabor umano sa Feshan, dahil wala umanong isinagawang public bidding para sa pagbili ng pataba.