Sa talumpati ni Sen. Grace Poe sa Senado noong Lunes ay isang panawagan para sa mga bata ng bansa, hinimok ang Senado na aprubahan ang kanyang school-feeding bill. Gayong may nakalaang P4.6 bilyon para sa Department of Education at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa paminsan-minsang school meals at isang supplementary feeding program para sa batang nasa day-care, aniya, talagang hindi ito sapat. Ang budget kada meal ay nasa pagitan ng P13.60 at P16 kada bata, na higit na mas mababa sa P50 nakalaan para sa mga presyo sa pambansang piitan.

Tulad ng iba pang problema sa lipunan, aniya, ang gutom, gaya ng digmaan, ang mga bata ang mas pinarurusahan. Kung walang sapat na nutrisyon, magdurusa ang mental at physical development ng mga bata. Ang mga batang lumalaktaw ng pagkain ay mas malamang na hindi makapapasok ng eskuwela. “It’s the country’s future that’s being jeopardized,” anang senadora.

Ngunit ang kanyang apela sa pagkain para sa mga bata ng bansa ay isa lamang launching pad para sa pagbabatikos sa talaan ng mga problema ng gobyerno hinggil sa kahirapan ng bansa. Maaaring makapagdulot ang Pilipinas ng lahat ng pagkain na kailangan nito dahil sa matatabang lupain nito ngunit 55% lamang ang may irigasyon. Sa 1.3 milyong ektarya na nangangailangan ng irigasyon, ang “katiting” na target para sa 2015, aniya, ay 26,155 ektarya lamang. Base sa datos ng gobyerno, ang Pilipinas ay may 100% self-sufficency sa isda, manok, at crops tulad ng niyog at asukal. Ngunit marami sa ating mga kababayan ang palang pambili ng sapat na pagkain.

Ang apela ni Sen. Poe para sa food program bill para sa mga bata ay kasabay ng paglalabas ng resulta ng survey ng Social Weather Stations na nagpapakita ng 12.1 pamilyang Pilipino (55% ng mga respondent) ang nagsabing sila ay mahirap.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sa presidential elections noong 2004, tumakbo si Fernando Poe Jr. (FPJ) bilang kandidato ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino. Sa isang panaya, tinanong siya kung ano ang pananaw niya sa kung anu-ano ang mga pangunahing problema sa Pilipinas, aniya, “Almusal, tanghalian, hapunan”. Aniya, bilang kandidato, priority agenda niya ang agrikultura.

Parang wala gaanong pagbabago sa bansa mula pa noong 2004. Ang pangunahing problema ay gutom at kahirapan pa rin, sa kabila ng mga pahayag na sumikad ang ekonomiya at itinaas ng international agencies ang ating credit ratins. Sa pagkakataong ito, ang anak naman ni FPJ, na miyembro ngayon ng Senado, ang nagpalutang ng isyu sa kanyang apela para sa kanyang feeding program bill. Sana, ang Senado – at ang kabuuan ng gobyerno – ay dinggin ang kanyang panawagan.