KUALA LUMPUR, (AP)— Kinasuhan ng dalawang Malaysian na batang lalaki ang Malaysia Airlines at ang gobyerno sa pagkamatay ng kanilang ama walong buwan na ang nakalilipas matapos misteryosong maglaho ang Flight 370 na sinasakyan nito.

Ang kaso noong Biyernes ay ang unang inihain ng kasapi ng pamilya ng isang pasahero na nakasakay sa nawawalang eroplano.

Humihiling sina Jee Kinson, 13, at Jee Kinland, 11, ng danyos sa mental distress at pagkawala ng suporta matapos maglaho ang kanilang amang si Jee Jing Hang.

Sinabi nila na ang airline at ang gobyerno ay naging pabaya at hindi ginawa ang lahat ng kinakailangang hakbang para matiyak ang kaligtasan ng flight.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Naglaho ang eroplano noong Marso 8 habang lumilipad mula Kuala Lumpur patungong Beijing sakay ang 239 na katao. Pinaniniwalaang ito ay bumagsak sa malayong bahagi ng Indian Ocean, kung saan nagpapatuloy ang mga paghahanap.