Nova Villa

NATAWA si Nova Villa sa taguri sa kanya ng press bilang ‘old generation superstar’ at ‘timeless talent’ dahil sa edad na 67 at mahigit limang dekada sa industriya ay bidang-bida pa rin siya sa 1st Ko Si 3rd na handog ng Cinemalaya Foundation at Freestarters Productions.

Nakatakdang dumalo si Nova sa isang international filmfest after almost 51 years in the business. Kaya excited na siyang rumampa sa red carpet ng 34th Hawaii International Film Festival (HIFF)—simula October 28 hanggang November 7—dahil kasali sa competition ang pinagbibidahan niyang indie film na 1st Ko Si 3rd, kabituin sina Freddie Webb, Dante Rivero, RJ Agustin (who happens to be one of the producers), Ken Chan, Ruby Ruiz at marami pang iba.

Ano ang feeling?

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“Blessed and excited,” mabilis na tugon niya. “Wala ka nang iba pang mahagilap na salita roon because may gumagalaw sa bawat isa sa atin. Hindi natin kontrolado ‘yun. Basta na lang dumarating, so, you are blessed!” sagot ni Nova.

Nagsimula si Nova noong taong 1963 sa Lea Productions. Pagkaraan ng 51 years, heto siya at aktibo pa rin sa pelikula at telebisyon. Regular siyang napapanood sa Pepito Manaloto ng GMA Network at nabibigyan pa rin ng pagkakataong magbida sa pelikula.

“Honored ako dahil may mga nagtitiwala pa rin sa akin. Siguro dahil mahal na mahal ko talaga itong trabahong ipinagkaloob sa akin ng Lord,” wika ng award-winning comedienne.

Dugtong pa niya, “Kayang-kaya pa ng katawan to work. Salamat sa Diyos na binibigyan pa tayo ng lakas at pinahahaba pa ang buhay natin.”

May sekreto ba ang Freddie-Nova tandem kung bakit tinatangkilik pa rin ito hanggang sa ngayon?

“Siguro nga, may kilig pa kami. Saka ‘yung natural lang kami. Kaya itong 1st Ko Si 3rd parang follow-up lang ito ng Chicks to Chicks. Kaya klik na klik dahil hinahanap-hanap ‘yung kilig ng samahan namin,” paliwanag ng nakatatandang kapatid ni Tia Pusit.

Ang karugtong na kuwento ni Nova tungkol sa namayapang kapatid, abangan bukas!